Sunday, December 20, 2009

kiko machine comic strip

pinabasa sa akin ng kasamahan ko ang isang comic strip na ginupit niya sa isang broadsheet. minsan lang ako magbasa ng ‘kiko machine’ pero natawa talaga ako at naka-relate sa ibang nakasulat/nakadrowing kaya naisipan ko itong i-post:
 
“Hay, buhay...” Series
Ganito pala ‘pag bored sa trabaho... 

1 – chat ka lang nang chat
2 – naghahanap ka ng lusot sa Firewall
3 – memorized mo na mga must-see Youtube videos
4 – tweet ka nang tweet ng kahit na ano
5 – edit ka lang nang edit ng profile mo
6 – edit ka lang nang edit ng status mo
7 – nakatitig ka lang sa pader
8 – nagbi-busy-busihan ka
9 – shuffle ka lang nang shuffle ng mga papel basta
10 – kape ka nang kape
11 – c.r. ka nang c.r. tas tumititig ng matagal sa salamin
12 – conscious ka masyado sa oras
13 – nang-ookray ka mentally
14 – naaalala mo ang mga dati mong pag-ibig
15 – alert at up-to-date ka sa tsismis
16 – nag-e-enjoy ka gamitin ‘yung stapler o puncher
17 – nazo-zone out ka sa ilaw ng xerox (machine)
18 – pikon ka na sa tunog ng printer
19 – binibilang mo nunal ng katabi mo
20 – ang tagal mo sa meryenda
21 – chat ka uli. Facebook ka uli.
22 – ginu-Google mo pangalan mo
23 – nagfo-forward ka ng chain mails faithfully
24 – maaalala mo mga pangarap mo noon
25 – ang sarap magstalk
26 – you’re eternally weighing options
27 – plano ka nang plano ng beach trip sa isip mo
28 – mame-memorize mo pet peeves ng officemates mo
29 – iniisip mo kung ano iniisip ng iba
30 – naririnig mo na huni ng mga ilaw
31 – mare-realize mo baka malipasan ka na ng panahon
32 – asar ka na sa tunog ng aircon
33 – gusto mo sumigaw na lang bigla
34 – mami-miss mo bigla barkada mo
35 – tingin ka nang tingin sa phone mo
36 – iniisip mo “what if I took the other path?”
37 – mami-miss mo sobra pamilya mo
38 – dami mo iniisip na money making ideas kaso wala kang oras
39 – slide ka nang slide sa office chair
40 – iso-stalk mo crush mo noon sa high school
41 – picture ka nang picture ng sarili mo sa webcam
42 – andami mong kaasaran
43 – kunyari ang lalim ng iniisip mo
44 – tingin ka ng tingin sa kuko mo
45 – wala.. nada.. zilch.. zip.. zero..

4 comments:

mots said...

iniisip ko lang...darating kaya na mabagot ako din ako gaya niyan. kunting malingat kasi ako, may magsasaksakang bagets

Eight said...

Sir Mots salamat sa pag follow! Ngayon ko lang nabasa comment nyo kasi hindi ko na na-a-update ang blog ko. Isa ako sa mga stalker mo.. Nice blog! :)

Kristine said...

This is so true it's funny. Natawa rin talaga ako dito.

The Drunken Pig said...

Hahaha kulet! I can totally relate to this post! :D