pinabasa sa akin ng kasamahan ko ang isang comic strip na ginupit niya sa isang broadsheet. minsan lang ako magbasa ng ‘kiko machine’ pero natawa talaga ako at naka-relate sa ibang nakasulat/nakadrowing kaya naisipan ko itong i-post:
“Hay, buhay...” Series
Ganito pala ‘pag bored sa trabaho...
1 – chat ka lang nang chat
2 – naghahanap ka ng lusot sa Firewall
3 – memorized mo na mga must-see Youtube videos
4 – tweet ka nang tweet ng kahit na ano
5 – edit ka lang nang edit ng profile mo
6 – edit ka lang nang edit ng status mo
7 – nakatitig ka lang sa pader
8 – nagbi-busy-busihan ka
9 – shuffle ka lang nang shuffle ng mga papel basta
10 – kape ka nang kape
11 – c.r. ka nang c.r. tas tumititig ng matagal sa salamin
12 – conscious ka masyado sa oras
13 – nang-ookray ka mentally
14 – naaalala mo ang mga dati mong pag-ibig
15 – alert at up-to-date ka sa tsismis
16 – nag-e-enjoy ka gamitin ‘yung stapler o puncher
17 – nazo-zone out ka sa ilaw ng xerox (machine)
18 – pikon ka na sa tunog ng printer
19 – binibilang mo nunal ng katabi mo
20 – ang tagal mo sa meryenda
21 – chat ka uli. Facebook ka uli.
22 – ginu-Google mo pangalan mo
23 – nagfo-forward ka ng chain mails faithfully
24 – maaalala mo mga pangarap mo noon
25 – ang sarap magstalk
26 – you’re eternally weighing options
27 – plano ka nang plano ng beach trip sa isip mo
28 – mame-memorize mo pet peeves ng officemates mo
29 – iniisip mo kung ano iniisip ng iba
30 – naririnig mo na huni ng mga ilaw
31 – mare-realize mo baka malipasan ka na ng panahon
32 – asar ka na sa tunog ng aircon
33 – gusto mo sumigaw na lang bigla
34 – mami-miss mo bigla barkada mo
35 – tingin ka nang tingin sa phone mo
36 – iniisip mo “what if I took the other path?”
37 – mami-miss mo sobra pamilya mo
38 – dami mo iniisip na money making ideas kaso wala kang oras
39 – slide ka nang slide sa office chair
40 – iso-stalk mo crush mo noon sa high school
41 – picture ka nang picture ng sarili mo sa webcam
42 – andami mong kaasaran
43 – kunyari ang lalim ng iniisip mo
44 – tingin ka ng tingin sa kuko mo
45 – wala.. nada.. zilch.. zip.. zero..